MAYNILA — Matapos ang 22 taon, nagbabalik sa Pilipinas ang Filipino-American director-producer at screenwriter na si Dean Devlin para sa shooting ng “Off Tropic,” isang 10-part series kung saan magiging line producer ang ABS-CBN.
Si Devlin ang nasa likod ng hit movies na “Geostorm,” “Independence Day,” “Godzilla” at “The Patriot.”
Mainit na sinalubong ng ABS-CBN executives si Devlin, na kasama ang American actor na si Christian Kane sa pagpirma ng kontrata para sa serye. Nasa Pilipinas ang 2 para sa casting ng Filipino actors na gaganap sa serye.
Itinuturing ni Devlin na “lifelong dream” ang pag-shoot niya sa Pilipinas.
“It’s a lifelong dream to get do something here, I wish my mom was alive to see it… I haven’t spent much time here and now we get to do a show here,” ani Devlin sa contract signing ng serye nitong Biyernes.
Pinangunahan ng ABS-CBN executives na sina ABS-CBN President Carlo Katigbak at Chairman Mark Lopez ang contract signing. Naroon din sa signing si ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes.
Natuwa rin si Kane sa pagbabalik niya sa Pilipinas.
“It’s great to be back, I love this country, there’s so many great people, so many colors here, it’s going to be fun… I don’t think the US has seen anything like this on TV before and we’re so excited to bring it home,” ani Kane.
Masaya rin si Devlin sa pagkakataong mababalikan niya ang kaniyang Filipino roots.
Taga-Iloilo aniya ang kaniyang pamilya at ang mismong lolo pa niya raw ang nagsulat ng isang libro ukol sa World War II.
“We’re trying to show the Philippines to people from the United States and around the world in a way that they’ve never seen before,” anang director.
Gaganapin ang shoot sa iba’t ibang parte ng bansa.
Gusto namang makita ni Kane ang chemistry niya kasama ang mga gaganap na Pinoy actors.
“That’s why I flew in town for, I’m reading lines with them, everyone wants to see the chemistry and stuff,” ani Kane.
Para kay Ruel Bayani, Head of International Production at Co-Production ng ABS-CBN, malaking karangalan ang mapabilang sa naturang proyekto.
“This is true to our vision for ABS-CBN to be a global company. Ito ‘yung mga projects na mag-e-elevate sa atin, mag-i-insipire, magcha-challeng sa atin to work harder,” ani Bayani.
Sisimulan ang shooting sa “Off Tropic” sa Cebu sa Nobyembre.
–Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News
see original article here: https://news.abs-cbn.com/entertainment/09/20/19/its-a-lifelong-dream-dean-devlin-christian-kane-sabik-mag-shoot-sa-pinas?fbclid=IwAR3uCNi-Mraq0TuYcAC-A9MoNuTV_x8DDApKzjr6ZXxUtZcwoKEWyo7LW9I
Recent Comments